Paghawan sa Kritikal na Pagtuturo ng Wika sa Kolehiyo: Pagsusuri ng mga Kurso sa Filipino na Iniluwal ng Pakikibaka ng Tanggol Wika
Abstract
Nagbago ang nilalaman ng General Education Curriculum (GEC) sa kolehiyo dahil sa pagpapatupad ng CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, series of 2013. Sa partikular, naging sanhi ito ng pagkakaalis ng kursong Filipino at Panitikan. Ang matinding protesta laban sa kautusan ay nagbunsod ng pagkakabuo ng Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Tanggol Wika), isang malawak na alyansang binubuo ng mga organisasyong pangwika, akademikong institusyon, guro, at mag-aaral. Iba’t iba ang naging tugon ng mga kolehiyo at unibersidad, partikular sa mga intitusyong naging miyembro ng Tanggol Wika. Ang ilan ay tuluyang nag-alis ng Filipino habang ang iba ay nakapaggiit na magkaroon ng ilang yunit sa mataas na antas ng edukasyon. Nagkaroon ng iba’t ibang hugis ang mga bagong kurso sa Filipino, kalakhan ay gumamit o umangkop sa mga silabus na binuo ng Tanggol Wika habang ang iba ay bumuo ng sariling mga kurso sa wika at pani tikan sa gabay ng alyansa. Sa ganitong kalagayan, layunin ng pag-aaral na matalakay ang pagsisimula ng Tanggol Wika bilang tagapagtaguyod ng kritikal at transpormatibong edukasyon at masuri ang mga piling kursong iniluwal ng pakikibaka ng alyansa. Ang mga sinuring silabus ng kurso: “Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino” ng Tanggol Wika, “Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran” ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas at “Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan” ng Mindanao State University-Iligan Institute of Technology ay kakikitaan ng mga batayang prinsipyo ng kritikal at transpormatibong pagtuturo ng wika. Sa pagsusuri ng mga layunin, tema at paksa, pamamaraan at pagtatasa ng pagkatuto, napatunayang malaki ang potensiyal ng mga sinuring kurso sa paghawan ng kritikal at transpormatibong pagtuturo ng Filipino sa mataas na antas ng edukasyon, at malaki ang naging impluwensiya ng pakikibaka ng Tanggol Wika sa naging tunguhin ng mga kursong ito. (The implementation of CHED Memorandum Order (CMO) No. 20 Series 2013, otherwise known as the revised General Education Curriculum (GEC), excluded the Filipino and Literature subjects at the tertiary level. This mandate was met with a strong protest that led to the formation of Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Alliance of Defenders of the Filipino Language) or Tanggol Wika - a nationwide movement composed of linguistic organizations, academic institutions, teachers, and students. The colleges and universities responded to the mandate in various ways. Some institutions removed Filipino from their course offerings, while those colleges and universities that had affiliations with Tanggol Wika remained firm to still include Filipino in their college curriculum. The colleges and universities that offer Filipino subjects adapted the syllabus to their respective contexts. Most institutions used or modified the syllabus created by Tanggol Wika, while others created their own Filipino and Literature subjects. In this context, the study aims to examine the inception of Tanggol Wika as an advocate of critical and transformative education and to analyze selected courses that were generated through the struggle of the alliance. The various Filipino course syllabi examined namely: (1) “Kon tekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino” developed by Tanggol Wika; (2) “Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran” by the Polytechnic University of the Philippines; and (3) “Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan” of the Mindanao State University-Iligan Institute of Technology, reflect the guiding principles of critical and transformative language teaching.)