Ang Bestiyaryo o Kawan Ni Orfeo: Isang Salin
Abstract
Ang akda ay isang pagsasalin sa Filipino ng Le Bestiaire ou Cortège d’Orphée ng manunulat na Pranses na si Guillaume Apollinaire. May kasama itong Tala ng Tagasalin kung saan mababasa ang konteksto at paliwanag ng ginawang salin pati ang halaga nito sa disiplina ng Araling Salin. Layon ng salin na makadagdag sa maikling listahan ng mga akdang Pranses na isinalin sa Filipino. Pinanatili ng pamamaraan ng pagsasalin, ayon sa batayan at mga pamamaraan ng pagsasalin ng mga linggwistang Jean-Paul Vinay at Jean Darbelnet, ang likas na pagiging liriko ng orihinal at ang paggamit nito ng quatrain o bersong binubuo ng apat na linyang may tugmaan. (The work is a Filipino translation of Le Bestiaire ou Cortège d’Orphée by the French writer Guillaume Apollinaire. Included is a Translator’s Note indicating the background of the translation as well as its significance to the discipline of Translation Studies. The translation aims to add to the short list of French texts translated in Filipino. The method of translation, based on the translation principles and strategies of linguists Jean-Paul Vinay and Jean Darbelnet, preserves the lyrical nature of the original work and its use of the quatrain, a verse composed of four lines that rhyme.)