Ang Ilog Pasig sa mga Banyagang Batis ng Ika-19 na Dantaon

  • Analyn B. Muñoz University of the Philippines

Abstract

Ang maiksing pag-aaral na ito hinggil ay sa mga naisulat na akdang naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa Ilog Pasig na pawang batay sa mga primaryang batis. Isinulat ang mga ito ng mga dayuhang napadpad sa
Pilipinas noong ika-19 na dantaon. Napili ang krusyal na kabanatang ito sa ating kasaysayan sa dahilang dito naging ganap na bukas sa mga banyaga ang kapuluan sa ilalim ng administrasyong Espanyol. Bawat isang banyagang bisita ay may kanya-kanyang layunin sa pagtapak sa kolonya at ispesipikong kontekstong kinapapalooban na magbibigay-liwanag sa klase ng kanilang akda. Layunin ng pananaliksik na ito na, una, unawain at suriin ang mga papel at kahalagahan ng Pasig ayon sa mga salaysay na nakapaloob sa mga napiling banyagang batis. Sa pagpapalitaw nito, hindi maiiwasang isalaysay ang pamumuhay ng mga taong nakadepende sa kalikasan at yaman ng katubigan. Ikalawa, isakonteksto ang pagkakalimbag ng mga batis na ito at paglalakbay ng mga Europeong awtor. Sasagutin ang mga katanungang: Anu-ano ang mga papel at kahalagahan ng Ilog Pasig sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay sa Pilipinas bilang kolonya noong ika-19 na dantaon? Bakit naparito ang mga banyagang Europeong awtor ng mga batis tungkol sa ilog?

Mga Susing Salita: Ilog Pasig, Manila, Bangka, Ika-19 na dantaon, Europeong manlalakbay
Published
2019-05-21
Section
Articles