“Walang Taong Walang Kuwenta”: Pagpapakahulugan sa Karangalan ng mga Estudyante sa Hayskul
Abstract
Pinag-aralan sa kasalukuyang pananaliksik ang pagpapakahulugan ng mga estudyante sa konsepto ng karangalan. Tatlumpu’t dalawang (32)estudyante ng Grade 10 mula sa San Pedro, Laguna ang lumahok sa
workshop. Mula sa talakayan ng mga kalahok, nakabuo ng limang temang
mahalaga sa pag-unawa ng karangalan. Ang karangalan ay (1) pagkilala sa
halaga at sa pagkatao ng isang tao, (2) respeto sa sarili at sa kapwa, (3)
pagpapahalaga sa magaganda o mabubuting bagay na nakamit o nagawa,
(4) moral at sosyal na penomenang makikita sa hiya, at (5) paninindigan sa
tama at mabuti. Binigyang-diin din na ang sariling karangalan ay hindi
maihihiwalay sa karangalan ng kapwa. Sa huli, binigyang-kahulugan ang
karangalan bilang isang halagahin na nagbibigay-importansya sa
pagsusulong at pagpapanatili ng isang sarili na may halaga at nagbibigayhalaga
sa kapwa; at nagsusumikap na gumawa at pumili ng mabuti para sa
kapakanan ng kapwa. Mahalaga ang papel ng respeto at hiya sa pagtatakda
ng antas ng karangalan ng isang tao.
The present study examined high school students’ understanding of the
concept of karangalan (dignity). Thirty-two (32) Grade 10 students from San Pedro,
Laguna participated in workshops. Based on the discussion, five relevant themes
were developed. Karangalan is (1) the recognition of worth and personhood of an
individual, (2) respect to oneself and fellow others, (3) giving value to the achievement
of worthy or good deeds, (4) a moral and social phenomenon observed in hiya, and
(5) a commitment to what is good and right. It was emphasized that one’s karangalan
cannot be separated from the karangalan of one’s kapwa. In sum, karangalan is
defined as a value that gives importance to the promotion and maintenance of a self
that has worth and accords worth to others; and that strives to act and commit to
what is good for the welfare of others. Respect and hiya have important roles in
determining the level of karangalan of a person.
Mga susing salita | Keywords: karangalan, dangal, Filipino values,
Sikolohiyang Pilipino, workshop