Dalumat sa Pagsulong ng Feministang Estetikang Makabayan: Metakomentaryo hinggil sa Sining ng mga akdang In Sisterhood—Lea at Lualhati at Sonata ni Lualhati Bautista

  • E. San Juan Jr.

Abstract

Sinubok sa kritikang ito na ilahad ang tipo ng feministang estetika na isinadula ni Bautista sa dalawang huling akda bago siya pumanaw. Nailarawan ang pagkasira ng pamilyamaternal na sabjek ng kababaihan sanhi sa malalim na pagbabago ng lipunan mula dekada 1970—panahon ng Cold War—hanggang dekada 1990 at bukana ng bagong milenyo. Nabuwag ang patriyarkong pamilya dahil sa pulitiko-ekonomikong krisis mula diktadurang Marcos hanggang neoliberalisasyon ng rehimeng sumunod. Sinuri ang transpormasyon ng diwa/kamalayan ng mga protagonista at punto-de-bista sa In Sisterhood at Sonata. Sa analisis ng babaeng sabjek, sinikap linawin ang paghahalo ng tinig ng awtor at kaniyang inimbentong tauhan upang pasabugin ang makasariling ugali/paniniwala. Tangka ng awtor na usisain ang batayan ng awtoridad ng burgis na pamilya, ng magulang-ama, at buong ordeng neokolonyalismo, sa pamamagitan ng pagbuwag sa tradisyonal na dibisyon ng lakas-paggawa na saligan nito. Intensiyon din na ilagay sa alanganin ang postmodernong karnabal ng In Sisterhood sa mapanuring masid ng protagonista sa Sonata. Si Kathleen ang simbolo ng babaeng nais lutasin ang kontradiksiyon ng sarili/pamilya sa paraang diyalektikal. Nilagom ni Bautista sa dalawang akda ang problema at metodo ng babaeng manunulat na nakikibaka para sa kapakanan ng komunidad na siyang susi sa pagpapalaya ng kababaihan sa pagkaalipin sa ilalim ng patriyarko-kapitalismong sumisikil sa buong sambayanan.

Published
2024-05-16
Section
Articles