Mga Bugtong ng Balagbatbat
Abstract
HINDI NA INAKALA pa ni Melchizedek Makaindan na darating pa ang araw kung saan mayroong taong darating sa tarangkahan ng kanyang bahay upang hukayin sa kanyang galamhan2 ang mga bagay na ibinaon na niya sa limot. Sapagkat ang mga bagay na iyon ay ipinagpalagay na niya na nawalan na ng halaga sa bagong kapanahunan. Sapagkat ano pa nga ba ang saysay ng mga bagay na iyon ngayong ang kanyang araw-araw na pamumuhay dito sa bilog na mundong inilaan para sa tao ay nasusuportahan nang mabuti ng kanyang hanapbuhay bilang guro ng matematika sa isang kilalang eskwelahan? Ano pa nga ba ang saysay ng mga bagay na makaluma sa gitna ng maraming mga pagbabago?
Published
2023-12-19
Section
Kwento