Older Women as Community Resources: Choosing to Care
Abstract
Ang Pamilyang Pilipino ay likas na mapag-alaga sakanilang mga nakakatanda. Ang pagkupkop na ginagawa
ng pamilya ay sumasaklaw hanggang sa mga huling araw
ng buhay ng nakakatanda maging sa panahon ng kalusugan
at pagkakasakit. Ang pagsubok na kakaharapin ngayon ng
ating lipunan ay kung paano mapupunan ang pangangailangan
ng mga nakakatanda—na sa taong 2030 ay tinatayang
bubuo sa 13.5% bahagi ng pangkalahatang populasyon ng
bansa.
Ang papel na ito’y tumatalakay sa isyu ng mga
kababaihan at kung paanong bilang kasarian na bubuo at
bumubuo sa mas malaking bilang ng nakakatandang
populasyon, ang suliraning kaakibat ng katandaan ay
suliranin nila. Kaalinsabay ng katotohanang ito, dapat na
mabuksan ang mga mata ng mga organisasyong pampubliko
at pampribado upang mailagay sa pinakamataas na antas
ng kapakinabangan ang papel na ito na ginagampanan ng
nakakatandang kababaihan.
Published
2009-05-06
Section
Articles