Understanding Filipino Adolescents: Research Gaps and Challenges
Abstract
Maiksi subalit masalimuot ang panahon ng kabataan sa buhay ngtao. Ang suliranin ng pagsasaayos sa mga problemang kaakibat nito
ay nangangailangan ng ganap na pag-unawa sa kabataang Pilipino ng
kasalukuyang panahon. Nais ibahagi ng papel na ito ang pagtutukoy
sa mga mahahalagang isyu na karaniwang di natugunan sa mga nauna
nang pag-aaral. Ilan sa mga suliraning pampananalikssik ay binigyang
pansin at inaasahang mapupunan ang mga puwang na patuloy pa ring
naiiwan sa larangan. Ang mga kakulangang nais tugunan ay ang mga
sumusunod na usapin: pagkakaisa sa pagpapakahulugan sa konsepto
ng “kabataan” at sekswalidad; di-kumpletong datos ukol sa ugnayan
ng bilang ng kabataan at bilang ng kabuuang populasyon; antas ng
kamalayan ng mga stakeholders at kabataan mismo tungkol sa paglaki
ng bilang ng huli; ang pangangailangan ng mga stakeholders ng
napapanahon at bagong pagkaunawa tungkol sa antas, mga
tagapagtakda, at kahihinatnan ng sekswalidad ng kabataan, pati ng
kanilang fertility at reproductive health; at, ang kanilang kamalayan at
pakikilahok sa mga gawaing panlipunan. Ilan sa mga rekomendasyon
ay ang pagkakaroon ng pambansang sarbey sa mga bagong erya ng
pag-aaaral kaakibat ang kwalitatibong pananaliksik, pananaliksik
pampatakaran (policy research) at operations research. Ang artikulo ay
isang pagtatangka sa paghahanap ng mga pamamaraan upang
maimulat sa mga kabataan at sa lipunang Pilipino ang kahalagahan
ng maturidad at pagbibigay ng mga safety nets sa ating mga kabataan
bilang gabay sa transisyunal na panahong ito sa pagitan ng kanilang
pagiging mamamayan na may sapat na gulang.
Published
2009-05-06
Section
Articles