Rejoinder to "A Critique of Professor Acuña's Philosophical Investigation of Two-Valued Deductive Logic"

  • Andresito E. Acuña

Abstract

Naipakita ko sa Rejoinder na ito na lahat ng kritisismo ni Soberano ay walang
batayan dahil wala siyang kapasidad para sa precision and clarity of thought na kanyang
ipinagyayabang.
Una, may diperensya ang kanyang eye-hand-mind coordination. Ang ilan sa batayan
ko dito ay ang mga sumusunod:
1. Mali ang kanyang pagbasa sa titulo pa lamang ng aking papel.
2. Napagkamalan niya ang tesis ko na tesis ni Stove dahil ang pagbasa niya sa
katagang sound ay valid.
3. Misnomer ang titulo ng kanyang unang seksyong Deduction is Natural.
Pangalawa, naipakita ko na wala siyang abilidad na magsuri ng lakas ng isang
argumento na sumusuporta sa isang pilosopical na tesis. Ang ilan sa batayan ko dito
ay ang mga sumusunod:
1. Nag-aksaya siya ng mahalagang panahon sa paglelektyur sa Philo 11 na dapat
ay ginugol niya sa kanyang kritisismo.
2. Di niya binigyang pansin ang pinakaimportanteat pinakamalakas kong tesis
na sisira sa kanyang dinidipensahang lohikang pormal. Ang tesis ko ay nagsasaad na
ang modelong sound argument ay bogus.
3. Masyado niyang binigyang pansin ang aking tatlong pangungusap ukol kay
Piaget, ngunit di niya binigyang pansin ang aking mga argumento na sumusuporta
sa aking mga importanteng tesis laban sa lohikang pormal.
Panghuli, naipakita ko na si Soberano ay ignorante sa maraming bagay na
inaangkin niyang kanyang alam. Ang ilan sa batayan ko dito ay ang mga sumusunod:
1. Nagpanggap siyang may alam kay Piaget’s cognitive development ngunit ang
alam lamang niya rito ay ang pangalan nito.
2. Ipinaliliwanag niya ang kahulugan ng katagang sublime at empty sa mga
kutasyon ko kay Wittgenstein, ngunit ang ginagamit niyang batayan ay ang kanyang
ignorans.
3. Nagbibigay siya ng adbays ukol sa quasi-argument ngunit di niya alam ang
kaibhan ng isang empirikal at isang ebalwatibong pangungsusap.
Samaktwid, napatunayan ko sa Rejoinder na ito na si Soberano ay walang abilidad
sa metacognition. Ang kanyang kritikal na pakulti ay napakababaw at di-nadebelop.
Wala siyang kapasidad na suriin ang kanyang sariling pangangatwiran at pag-iisip.
Kung nadebelop lamang sana niya ito, di siya nagkamali ng eye-hand-mind coordination.
Nakakatawang banggitin na ang mga kamalian ni Soberano sa kanyang Critique ay
napakaelementarya. Ipainagyayabang pa naman niya na siya ay isang avid defender
of formal logic na may katangiang precision and clarity of thought.

Most read articles by the same author(s)

Obs.: This plugin requires at least one statistics/report plugin to be enabled. If your statistics plugins provide more than one metric then please also select a main metric on the admin's site settings page and/or on the journal manager's settings pages.