Women in Political Affairs: A Study of Women Councilors in 1990
Abstract
Binigyang tuon ng pag-aaral na ito ang pagpapatotoo ng paniniwalang sa lipunang Pilipino ay may pagkakapantay-pantay kaysa ibang lipunan. Ito ay ginawa sa pamamagitan ng pag-aaral ng isang grupo ng kababaihan na nagtangkang pasukin ang sinasabing larangan ng mga kalalakihan-ang politika. Ang mga datos ay nagmula sa sarbey ng 770 bilang ng mga babaeng konsehal, na pinangunahang likumin ng UPPI at ng National Commission on the Role of Filipino Women noong 1990. Ayon sa resulta ng pag-aaral ang kasarian ay hindi isang balakid sa partisipasyon sa politika. Ito pa nga ay nagsilbing benepisyo upang manalo at nang lumaon ay makapagsilbi ng mahusay sa katungkulan, dahilan sa mga positibong katangian at pagiging katangi-tangi ng mga babae sa isang larangang panlalaki. Ipinakita rin ng pag-aaral ang mga suliraning naranasan ng mga babae sa pagpasok sa politika, at ang kakulangan sa kasanayan sa naturang larangan. May mga katanungan tungkol sa epekto ng mga babaeng ito sa kanilang mga pinamamahalaang kababaihan. Gayunpaman, ayon sa pag-aaral, ang gawaing pampulitika para sa kababaihan ay isang mahusay na opsyon para sa kanila na nagbibigay ng mas maraming pakinabang para sa pangkalahatang pagsulong ng kanilang kapwa babae.
Published
2010-04-29
Section
Articles