Filipino Wives in Foreign Lands
Abstract
Makikita sa mga iba’t ibang karanasan ng mga Pilipinang may asawa na nagtratrabaho sa ibang bansa at mga Pilipinang asawa ng Australyano ang pangingibabaw ng ilang suliraning pinag-uusapan tungkol sa mga kababaihan. Ang mga ito ay: (1) ang lipunang may dobleng pamantayan na kumikiling sa mga kalalakihan lalo na sa aspeto ng sexualidad ng kababaihan na ang paniniwala ay pag-aari ng mga kalalakihan; (2) ang tungkulin bilang isang asawa at ina na ang pagtutupad ay nagdudulot ng pagiging pagkababae na siyang nagpapanatili sa kabuuan ng isang pamilya at hindi pagkakawasak ng pagsasamang mag-asawa; at (3) ang kaunti o kaya’y kawalang pagdama ng mga babae mismo, ng mga lalake at ng lipunan sa mga karapatan ng kababaihan na siyang nagpapanatili ng kanilang mababang katayuan sa lipunan.
Published
2010-04-29
Section
Articles