Sexual Harassment: Definitions and Gender Difference in Perception

  • Elena L. Samonte

Abstract

Isang kahirapan sa pagbibigay kasagutan sa usapin ng panliligalig na sekswal (sexual harassment) ay ang kawalan ng malinaw, buo at tanggap na kahulugan ng panliligalig na sekswal. Isang pag-aaral ang isinagawa kung saan sinikap magbigay ng kahulugan ng “sexual harassment” at posibleng pagkakaiba sa pagpapakahulugan ng mga kababaihan at kalalakihan.
Napag-alaman, na ang mga depinisyon ay umiikot sa pagiging di tanggap nito. Ang talaan ng mga gawi (behavior) ay nagsasaad ng mga tahasang pisikal na pag-atake hanggang sa mga pasalita at di pasalita na mga insultong sekswal. Ilan pang aspetong ginamit ay ang mga sumusunod: mga bagay na may kinalaman sa biktima, ang manliligalig, ang gawi, ang antas ng relasyon, ang pinangyarihan at ang kultura. Malaking impluwensiya ang kultura lalo sa usapin ng paghipo (touch) at tamang gawi ng babae at lalaki. Magkaiba ang pananaw ng mga babae at lalaki sa usaping higit na nailalarawan ng mga babae ang mga detalye at mga masasalimuot na epekto sa emosyon ng biktima. Ipinakita rin ang ilang mga dapat pang pagtuunan ng pansin tulad ng pangangailangan pa ng pagtataas ng antas ng kamalayan ng dalawang kasarian tungkol sa mga konsepto at isyung nakaugnay sa sexual harassment.
Published
2010-04-29

Most read articles by the same author(s)

Obs.: This plugin requires at least one statistics/report plugin to be enabled. If your statistics plugins provide more than one metric then please also select a main metric on the admin's site settings page and/or on the journal manager's settings pages.