An Analysis of Rape Incidents in Metro Manila

  • Filomin A. Candaliza & Ricardo M. Zarco

Abstract

Ang pananaliksik na ito ay nagsuri sa krimeng panggagahasa at ang kontekstong panlipunan nito. Ang katangian ng mga biktima at ng mga mang-aabuso at ang kanilang relasyon o ugnayan sa isa’t-isa ay pinag-aralan sa pamamagitan ng victimiological approach.
Napag-alaman na ang karamihan ng mga biktima ay bata habang ang mga mang-aabuso naman ay higit na nakakatanda. Ang karamihan sa mga biktima at mang-aabuso ay mula sa nakabababang uri; karamihan sa mga biktima ay kilala ng kanilang mang-aabuso. Malaking porsiyento ang may malapit na ugnayan sa isa’t-isa bilang magkapamilya, magkasambahay o miyembro ng iisang komunidad. Ang ugnayan ng biktima at mang-aabuso ay may kinalaman sa ilang aspeto ng panggagahasa tulad ng edad ng biktima, pagkakaulit ng insidente, at katagalan ng pagsuplong ng krimen. Ang paggamit ng dahas ay kaugnay sa di-paglaban ng biktima.
Ang panggagahasa ay isang pang-aabuso ng kapangyarihan. Ipinahihiwatig ng mga datos na ang panggagahasa ay bunga ng plano kung saan pinipili ang biktimang tiyak ang kahinaan: mura ang edad, mahirap at may mababang katayuan sa pamilya o pamamahay.
Published
2010-04-29

Most read articles by the same author(s)

Obs.: This plugin requires at least one statistics/report plugin to be enabled. If your statistics plugins provide more than one metric then please also select a main metric on the admin's site settings page and/or on the journal manager's settings pages.