Leyte sa Dantaon 19: Pagtukoy ng Kabisera at Pagbuo ng mga Bagong Bongto
Abstract
Layunin ng pananaliksik na ito ang isalaysay ang naging karanasan ng pulong-lalawigan ng Leyte sa dantaon 19. Ipinakita nito ang mga naging dahilan ng paglipat ng sentro ng Leyte mula Carigara tungo sa Tacloban, kasama na ang proseso at hamong kinaharap. Ginamit at sinuri nito ang ibat-ibang salik, lalo na ang mga primaryang batis pangkasaysayan mula sa mga sinupan at aklatan na pumapaksa sa Leyte sa nasabing panahon. Mula sa mga batis na ito, maipapakita na may dalawang pangunahing katangian ang pulo sa nasabing dantaon. Una, naganap sa unang hati ng dantaon 19 ang pagtukoy sa bagong kabisera ng Leyte mula sa lumang sentro nitong Carigara tungo sa Tacloban. Ikalawa, mas maraming mga pueblo na tinatag sa pulo sa ikalawang hati ng dantaon 19.
Published
2014-08-15
Section
Articles
Keywords
Leyte, bongt/bungto, reducción, erección de los pueblos de Leyte, dantaon 19