Lagda ni Andres Bonifacio: Paghamon sa tadhana, himagsikan, at pagtupad sa kapalaran ng sambayanang Pilipino

  • Epifanio San Juan, Jr. Polytechnic University of the Philippines

Abstract

ABSTRAK

ABSTRAK

Sa balik-tanaw, ang “lagda” ni Bonifacio sa ating kasaysayan ay masisipat sa kanyang kagalingan sa pagbuo ng Katipunan at praktikang diwa sa maugnayang pag-aklas. Nabunyag ang kakulangan noon nang paslangin siya ng pangkat ni Aguinaldo. Sa gayon, naging bagong mithi ng makabayang bugso ang pagtatamo ng hegemonya/gahum. Hindi sapat sa paglikha ng soberenya at pagpapasyang makabayan ang batayan ng Katipunan: rasong unibersal at karapatang pangkalikasan. Sa huling pagtutuos, ayon kay Apolinario Mabini, naitakda ng ekonomiyang pampolitika ng piyudal/komprador na kaayusan ang limitasyon ng ilustradong nasyonalismong mana kay Aguinaldo. Buhay pa rin ang halimbawa ni Bonifacio sa aktuwalidad ng ahensiya ng lahat ng inaapi at pinagsasamantalahan. Nagkaroon ng bagong sigla ito sa himagsik ng mga etniko/katutubong mamamayan, kaugnay ng manggagawa at pesante sa pambansang-demokratikong kilusan, na lalong nag-ibayo ngayon sa harap ng terorismo ng imperyalismong global.

Mga Susing-Salita: Katipunan, nasyonalismo, Andres Bonifacio, Kapulungan ng Tejeros, Himagsikan ng 1896

ABSTRACT

From hindsight, Andres Bonifacio’s “signature” in our historical archive is distinctly legible in his initiative in founding the Katipunan and its praxis in organized revolt. His death by the Emilio Aguinaldo clique revealed the Katipunan’s inadequacy. But it is also productive since hegemony became the new telos of the nationalist impetus. Universal reason and natural rights, the foundation of the national-liberation struggle, were insufficient to forge the popular will and affirm the sovereignty of the nation-people in the face of US imperial power. Ultimately, however, as Apolinario Mabini discerned, the political economy of a feudal/comprador formation defined the limits of ilustrado nationalism. Bonifacio’s example survives in the actuality of irepressible multifaceted subaltern agencies. It renews itself today in the ethnic/indigenous, national-democractic insurgencies flourishing today under global imperial terrorism.

Keywords: Katipunan; nationalism; Andres Bonifacio; Tejeros Convention; 1896 Revolution

Published
2016-06-29
Section
Articles