Pagpopook ng Kapangyarihang Politikal: Prosesong Elektoral sa Lalawigan ng Tayabas, 1846–1895 (Contextualizing Political Power: Electoral Process in the Province of Tayabas, 1846–1895)
Abstract
ABSTRAK
Sinusuri sa artikulong ito ang kapangyarihang politikal ng simbahan, estado, at katutubong elit sa konteksto ng halalang lokal, lalo na sa paghalal ng gobernadorcillo, sa Lalawigan ng Tayabas mula 1846 hanggang 1895. Nakapaloob sa mga batas, dekreto, at sirkular ng pamahalaang Espanyol ang prosesong elektoral at pamamaraan para sa pagpili ng gobernadorcillo. Ang mga batas panghalalang tatalakayin sa artikulong ito ay ang Ordenanzas de Buen Gobierno de 1768; Circular de 5 de Octubre de 1847; at Real Decreto de Mayo 19 de 1893. Tatalakayin din sa pag-aaral na ito kung paanong ang pamahalaang Espanyol ay naglatag ng mga repormang panghalalan para pigilan ang pagmamalabis sa kapangyarihan mula sa simbahan at estado. Kasama sa reporma sa prosesong elektoral ang pagpapantay ng kapangyarihan na ipinatupad sa pamamagitan ng sistemang politikal na tinatawag na check and balance.
Mga Susing Salita: kapangyarihang politikal, prosesong elektoral, batas panghalalan, lokal na naghaharing-uri, kolonyalismong Espanyol
ABSTRACT
This article examines the political power of the church, state, and local elite in the context of the local elections, particularly the elections of the gobernadorcillo, in the Province of Tayabas from 1846 to 1895. Contained in the laws, decrees, and circulars of the Spanish government were the electoral process and method for the election of the gobernadorcillo. The election laws that will be discussed in this article are the Ordenanzas de Buen Gobierno de 1768; Circular de 5 de Octubre de 1847; and Real Decreto de Mayo 19 de 1893. This research will also discuss how the Spanish government instituted electoral reforms to prevent the abuse of power from the church and state. Part of the reform in the electoral process was to preserve the balance of power which was implemented through the political system called “check and balance”.
Keywords: political power, electoral process, election laws, local elites, Spanish colonialism