Ang mga Ideolohiyang Politikal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at United Church of Christ in the Philippines (UCCP) sa Panahon ng Administrasyong Duterte

  • Christian Gopez
  • Feorillo A. Demeterio III

Abstract

ABSTRAK
Sinuri ng papel ang mga ideolohiyang politikal na nakapaloob sa mga pastoral na pahayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at United Church of Christ in the Philippines (UCCP) na nailathala sa panahon ng administrasyong Duterte. Ginamit bilang hermeneutikong lente ang modipikadong ideolohikal na ispektrum ni Demeterio (2012) na may dalawang dimensiyon (progressive-retrogressive at libertarian authoritarian) at walong politikal na ideolohiya. Lumabas sa pagsusuri na nasa pagitan ng liberal na libertaryan at moderato ang paninindigan kapwa ng CBCP at UCCP sa pre-pandemic period. Nanatili naman ang liberal na libertaryan at moderatong ideolohiya ng CBCP sa pandemic period, samantalang namayani naman ang liberal na libertaryang paninindigan ng UCCP. Sa pangkalahatan, liberal na paninindigan ang namamayani kapuwa sa CBCP at UCCP, sang-ayon sa x-axis ng modipikadong ispektrum na nakatuon sa kasalukuyan at pagbabago, bagaman mas matalas ang pagsusuri ng UCCP sa mga isyung panlipunan. Batay naman sa y-axis ng ispektrum, malinaw na libertaryan ang pagpapahalaga kapuwa ng CBCP at UCCP tungkol sa indibidwal at estado.


ABSTRACT
The article analyzes the political ideologies expressed in the pastoral statements of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) and the United Church of Christ in the Philippines (UCCP), published during the Duterte administration. To facilitate the hermeneutic analysis, the study utilized the modified ideological spectrum by Demeterio (2012), with two dimensions (progressiveretrogressive and libertarian-authoritarian) and eight political ideologies. It was found that CBCP’s ideological perspectives during Duterte’s regime is between liberal libertarian and moderate. On the other hand, the ideological tendencies of UCCP have been classified as liberal libertarian and moderate in pre-pandemic period and liberal libertarian in pandemic period. In general, although UCCP maintains a stronger stance in examining social issues, the political ideology of both UCCP and CBCP still fall under the libertarian perspective based on the x-axis of the modified spectrum. Meanwhile, the y-axis of the spectrum indicates that both CBCP and UCCP has a libertarian perspective towards maintaining the rights of the individual and the state.

Published
2024-02-01
Section
Articles