Pag-aaral sa Language Preference ng mga Pangunahing Etnolinggwistikong Pangkat sa Loob ng Unibersidad ng Pilipinas Visayas-Miag-ao

  • Ferdinand P. Jarin

Abstract

ABSTRAK
Ang pag-aaral ay tumutungkol sa pagtukoy sa language preference ng mga pangunahing etnolinggwistikong pangkat sa loob ng Unibersidad ng Pilipinas Visayas ( UPV ) sa bayan ng Miag-ao. Ninais tugunan ng pag-aaral ang mga tanong at sapantaha ukol sa mga posibilidad ng pagkakaroon ng suliranin sa komunikasyon sa naturang unibersidad dulot ng pagkakaroon nito ng mga mamamayan mula sa iba’t ibang etnolinggwistikong pangkat. Naisagawa ang pag-aaral sa panahon ng pandemya kaya’t minabuting gamitin ang metodong Key Informant Interview (KII) para sa online interviews. Nagresulta ang pag-aaral sa pagkatukoy sa mga mas madalas gamiting-wika ng mga mamamayan ng UP Visayas-Miag-ao upang mas maintindihan, ang kanilang kahandaan sa pag-aaral ng bagong wika, at ang pagkalatag ng mga kapakinabangan at limitasyon sa pagkakaroon ng kultura ng code-switching o paglilipat-wika sa naturang unibersidad. Ang mga resulta ay magpapatining sa kahalagahan ng pagtanggap ng lahat ng etnolinggwistikong pangkat sa multi-language set-up ng UP Visayas dahil sa pagpapanatili nito sa kanilang katutubong wika, sa pagbibigay nito ng oportunidad ng pagkatuto sa bagong wika’t kultura, at ang praktikal na paggamit ng Hiligaynon bilang lingua franca ng rehiyon, ng Filipino bilang pambansang wika, at ng Ingles bilang isa sa mga opisyal na wika ng bansa sa kanilang pang-araw-araw na transaksyon at kumbersasyon.

ABSTRACT
The study is about determining the language preference of the primary ethnolinguistic groups within the University of the Philippines Visayas ( UPV ) in the town of Miag-ao. The study aimed to address questions and concerns about the possibility of communication problems in such a university due to the presence of citizens from different ethnolinguistic groups. The study was conducted during the pandemic so the researcher deemed it best to use the Key Informant Interview (KII) method for the online interviews. The study resulted in the identification of the most frequently-used languages by the community members of UP Visayas-Miag-ao to better understand each other, to gauge their readiness to learn a new language, and to establish the advantages and limitations of having a culture of code-switching or language transfer in such a university. The results highlight the importance of accepting all ethnolinguistic groups in the multi-language set-up of UP Visayas for the preservation of their native language, the opportunity provided to learn a new language and culture, and for the practical use of Hiligaynon as the lingua franca of the region, of Filipino as the national language, and of English as one of the official languages of the country in their daily transactions and conversations.

Published
2024-02-02
Section
Articles