Kakaibang Halimuyak: Iba't Ibang Imahe ng Pangangapital sa Balintawak

  • Mariah Amour C. Miranda Department of the Interior and Local Government

Abstract

Ginagalugad ng sanaysay na ito ang isang pangunahing lugar na nadaraanan mula Norte patungong Maynila—ang Balintawak. Nagsisilbing manibela ng pagsusuri ang kontemporaneong pananaw sa lunan bilang pugad ng mga anyong may magkakasalungat na kahulugan. Binibigyang-pansin ng sanaysay ang iba't ibang imahe ng pagbebenta na matatagpuan sa Balintawak: ang billboard ng kumpanyang Bench na siyang pinakamalaki, ang mismong palengke, at ang mga lakong paninda sa tabing-kalsada. Sa pamamagitan nito, maipapakita ng sanaysay kung paano madadalumat ang Balintawak bilang isang panlipunang texto na sumasalamin sa mga magkakaibang pangangapital sa naturang lunan. This essay explores the space of Balintawak—a focal point of urban travel from northern Luzon to Manila. Using the contemporary view on space as a site of structures with contradictory meanings, the study seeks to understand how various images of market activities in Balintawak create meaningful representations. These images include the gigantic billboard of Bench, the central market itself, and flea markets in the area. The essay shows how Balintawak as a social text serves as a trading center of different forms of capital.

Keywords: Balintawak, lunan, Bench billboard, Lefebvre

Section
Articles