Mga Diwang Lagalag sa Nagniningas na Kakahuyan: Isang Pananaliksik Ukol sa Kulturang Umiiral sa Alternatibong Espasyong Seksuwal sa loob ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman

  • Aljohn Estrella

Abstract

Tinutukoy sa pag-aaral na ito ang mga katangian ng alternatibong espasyong seksuwal sa loob ng UP Diliman, demograpikong katangian ng respondente, tipo ng seksuwal na aktibidad na karaniwang ginagawa sa loob ng unibersidad, at mga lugar na karaniwang pinagdadausan ng seksuwal na aktibidad sa loob ng unibersidad. Gamit ang trayanggulisadong paraan sa pananaliksik ay nagsagawa ng mga sarbey, panayam, at pagsasalarang (fieldwork) na dinalumat ang kulturang seksuwal sa naturang espasyo. Sa pag-aanalisa ng datos ay lumalabas na nakababata (karaniwang nasa edad na 18 to 24 taong gulang), lalaki, bayseksuwal, cisgender, masculine, walang ugnayan sa UP, pitong (7) buwan hanggang isang (1) taon nang nagtutungo sa unibersidad para sa seksuwal na aktibidad, at dalawa (2) hanggang lima (5) at anim (6) hanggang sampu (10) ang kadalasang bilang ng nakatalik sa loob ng unibersidad ang mga katangian ng mayorya ng mga indibidwal na kabahagi ng alternatibong espasyong seksuwal sa loob ng UP Diliman. Karaniwan ding nasa porma ng oral sex ang tipo ng seksuwal na aktibidad, at sa UP Lagoon at University Avenue ang karaniwang lugar na pinagdarausan nito.

Published
2025-02-07
Section
Articles