Kulimlim sa Katanghalian: Isang Saliksik sa mga Kwentong Noir

  • Eustaquio III Barbin

Abstract

Ang noir ay isang kategorya ng kuwento sa ilalim ng kuwentong krimen (crime fiction). Mula sa salitang Pranses na “itim” ang kahulugan sa literal na salin, naging sikat ang noir noong dekada 70. Nakaugnay ang noir sa tagpuang ginagalawan nito na kung saan madalas na nailalarawan ito sa madidilim na bahagi ng mga lungsod, at ang mabibigat na damdaming dala nito. Pag-aaralan ng artikulong ito ang mga lokal na kuwentong noir upang maging lunsaran ng mga nais magsaliksik tungkol sa paksang ito. Tatangkain din ng artikulo na tumukoy ng mga elementong maaaring gamitin sa pagsusuri ng mga kuwentong noir. Susuriin
kung paanong ang istilong ito ay ginagamit, hindi lang para maging interesante ang pagkukuwento, kundi para maunawaan ng mambabasa ang mga karanasan, kaisipan, at mga damdaming madalas isinasantabi, ibinabasura, at ikinukubli sa dilim.

Published
2025-02-07
Section
Articles