Abstract
Pangunahing layunin ng pag-aaral namasuri ng epekto ng paggamit ng dalawang magkaibang pananaw at paraan ng pagtuturo ng kasaysayan - ang tradisyonal at kasaysayang bayan - sa pambansang identidad at nasyonalismo ng mga mag-aaral. Tiyakang nilayon nito na tuklasin ang (1) pagkakaiba ng kasaysayang bayan at tradisyonal na kasaysayan bilang mga pananaw at pamaraan ng pagtuturo ng kasaysayan; (2) pagkakaiba ng mga mag-aaral na nakaranas ng kasaysayang bayan at tradisyonal na kasaysayan sa kanilang kaalaman sa kasaysayan ngPilipinas, at sa pagtataglay nila ng diwa ng pambansang identidad at nasyonalismo; at (3) ugnayan ng paraan ng pagtuturo, kaalaman sa kasaysayan, at pambansang identidad at nasyonalismo. Kumakatawan lamang ang resulta ng pag-aaral na ito sa mga mag-aaral ng Mababang Paaralan ng Balara na nabibilang sa panggitnang seksyon ng grado 5. Gayon din, nakabatay lamang ang impormasyon tungkol sa pamaraan ng pagtuturo ng kasaysayan sa Mababang Paaralan ng Balara at sa UP Integrated School.