Umiiral na Rehistro ng Filipino sa mga Pahayagang Filipino: Gabay sa Pagbuo ng Ilang Alituntunin sa Pagbaybay ng mga Hiram na Salita
Abstract
Pangkalahatang layunin ng pag-aaral na matukoy ang umiiral na rehistro o istilo ng nakasulat na wikang Filipino sa anim na tabloid ng Pilipinas na may malawak na publikasyon sa Pilipinas, kabilang ang Abante, Bulgar, Pilipino Star, People’s Journal, Tiktik, at Balita.Mga tiyak na layunin nito na (1) masuri ang mga mga paraan o pattern ng pagbaybay ng mga hiram na salita, (2) matukoy ang konsistensi ng pagbaybay ng mga salitang hiram sa bawat tabloid; at (3) makabuo ng ilang mungkahing alituntunin sa pagbaybay, batay sa nakita ng pag-aaral na higit na umiiral na paraan ng pagbaybay ng mga salitang hiram sa wikang Filipino.