Pagsusuri sa mga Obra Maestrang Isina-Komiks: Tungo sa Pagbuo ng Pamantayan sa Pagsusuri ng Pantulong na Kagamitan sa Antas Sekundarya

  • Sharon Rose D.R. Aguila University of the Philippines Integrated School

Abstract

Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na masuri ang mga obra maestrang isina-komiks na magsisilbing gabay sa pagbuo ng pamantayan sa pagsusuri ng komiks bilang pantulong na kagamitan sa pagtuturo ng mga obra maestra sa antas sekundarya. Naging batayan sa pagsusuri ang teorya ni McCloud (1993; 2006) na Word-Picture Combinations at transisyon ng mga  pangyayaring magpapalutang sa kasiningang taglay ng naturang babasahin. Binigyang-tuon din sa pagsusuri ang simulain nina Gimena (2011) at Valiente (2009) kaugnay sa mga pangnilalaman at teknikal na elemento ng komiks. Matapos ang pagsusuri, isinaalang-alang ang Teorya ng Motibasyon sa Pagbasa nina Guthrie at Wang (2004), maging ang prinsipyo sa pagbuo at pagpili ng pantulong na kagamitan nina Lardizabal et al. (2002) at Tomlinson (2001) para sa paglikha ng pamantayan na ipinaebalweyt sa mga guro ng Filipino sa antas sekundarya at mga eksperto sa larangan ng komiks.

Batay sa mga naging resulta, natuklasan ang kahalagahan ng pagsusuri sa mga babasahing gagamitin bilang pantulong na kagamitan sa pagtuturo upang mapiling mabuti ang mga suplementaryong materyal na ipagagamit sa mga mag-aaral.

Published
2017-11-03
Section
Articles