Ang Pihit tungong Emergency Remote Learning ng English Bridge Program sa Gitna ng Pandemya ( The Shift to Emergency Remote Learning of the English Bridge Program amid the Pandemic)
Abstract
Tinalakay sa papel na ito ang karanasan ng pagpapatupad ng isang programang ekstensyon gamit ang narrative inquiry at emergency remote learning. Layunin ng papel na ito na ibahagi ang karanasan sa paghahanda ng isang buong asingkronus na emergency remote learning para sa isang Bridge Program para sa asignaturang Ingles. Isinalaysay sa papel na ito ang paghahanda at pagpapatupad ng emergency remote learning para sa mga papasok pa lamang na mag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas Los Baños, magmula sa pagpili ng learning management system, pagsulat ng mga modyul, paglikha ng mga pagtatasa ng angkop sa klase, at pagpili ng mga midyum pangkomunikasyon. Bagaman mayroong mga puwang sa pagpapaunlad ng ipinatupad na programa sa emergency remote learning, mayroong mga praktika na maaaring gamitin at ihanda para sa ganitong pihit sa pagtuturo. Sa maikling panahon na ibinigay sa paghahanda ng programa, tiniyak na makalalahok ang lahat ng mga mag-aaral. Siniguro na aksesible sa mga mag-aaral ang mga materyal, gawain at komunikasyon. Dagdag, pinaigting rin ang pagtatasa at komunikasyon upang mawala ang pangamba lalo na at kalakhan sa kanila ay mula sa pisikal na silid-aralan kung saan nagkikita-kita ang guro at ang mga mag-aaral bago pumasok sa unibersidad. (The paper discusses the experience of developing the program in an emergency remote learning setup. This paper aims to share the experience of preparing an asynchronous emergency remote learning for an English Bridge Program. This article specifically narrates the experience of preparing and executing an emergency remote learning for incoming students of University of the Philippines Los Baños, particularly in choosing of the learning management system and modes of communication, writing of modules intended for the program, and crafting of assessments appropriate for the class. Despite the short time given to prepare for this, the program made sure that all student-participants can participate. Accessibility to materials, activities, and communications were specifically made sure. Additionally, the assessments or feedback, and the modes of communication were recalibrated and reinforced in the program to make sure that students feel comfortable with the setup, given that most of them came from face-to-face classes prior to coming in the university.)