Ang Paghahanap ng Liwanag at Kaligtasan: May Papel Ba Ang Mga Sosyalista?
Abstract
Ang paghahanap ng liwanag at kaligtasan ay isang matingkad na katangian ng ating kasalukuyang panahon. Lubhang napakabilis ng pag-ikot ng mundo at napakaraming nangyayari. Sa halos isang iglap, buong mga republika ay nagkakawatak-watak. At mula sa mga maliliit na piraso ng mga naagnas na bansa - ang marami dito ay teritoryo ng dating kampo ng sosyalismo- pinapanday ng apoy ng giyera ang mga lumang damdaming etniko. Samantalang sa iba pang bahagi ng Kanlurang Europa, patungo naman sa pagsasama-sama ng mga malalaking nasyon ang nagiging daloy ng kasaysayan. Ang mga maliliit at mahihina ay lalo pang nagkakawatak-watak, habang ang mga malalaki at malalakas ay nagsasama-sama.
Published
2007-10-03
How to Cite
DAVID, Randolf.
Ang Paghahanap ng Liwanag at Kaligtasan: May Papel Ba Ang Mga Sosyalista?.
Kasarinlan: Philippine Journal of Third World Studies, [S.l.], v. 8, n. 1, p. 155-162, oct. 2007.
ISSN 2012-080X.
Available at: <https://journals.upd.edu.ph/index.php/kasarinlan/article/view/305>. Date accessed: 04 aug. 2025.
Section
Articles
By submitting a manuscript, the authors agree that the exclusive rights to reproduce and distribute the article have been given to the Third World Studies Center.