#ParaKayBaldoAtLaura

  • Erik Guzman Pingol

Abstract

Nag-viral sa buong Pilipinas ang kuwento ni Baldo, isang konduktor na suma-sideline bilang GrabFood delivery rider upang masustentuhan ang pangangailangang medikal ng kanyang anak na si Laura. Wala na yatang Pilipinong hindi nakakakilala sa mag-ama sanhi ng posts ng mga artista, influencer, brand, at maging ng TV feature tungkol sa kanila. Bukod sa atensiyon ay inulan din sila ng di mabilang na mga donasyon mula sa iba’t ibang kompanya at institusyong nais tumulong (at makisawsaw na rin) sa current trending topic. Ang (hashtag na) #ParaKayBaldoAtLaura ay larawan ng isang ulirang ama at isang anak na pag-asa na sana ngunit inagaw pa ng trahedya—isang gintong poverty porn ng ating panahon. Ngunit sa kabila ng pagkakakilala ng lahat ay may ibang mukha ang mag-ama sa likod ng imaheng inilalapat at nais makita ng madla sa kanila.

Published
2024-11-25