Tuwing Naglalaho Ang Ating Mga Anino

  • Ronaldo Soledad Vivo Jr.

Abstract





Nakarating sa kilusan ang tungkol sa mamang kakatwang nagtitinda ng papag sa Baryo Kailas. Ang basa ng komite, bakit aabot sa liblib na lugar ang isang tao para magbenta ng papag? Lugar kung saan ang mga tao ang gumagawa ng sarili nilang bangkuan, mesa, at iba pang gamit pambahay, kasama na ang papag. Sa pagsisiyasat ng kilusan, matutuklasan nila ang mas masalimuot na kaugnayan ng mamang iyon sa batang natagpuang palutang-lutang sa ilog Baswan, sa Bayan ng Alirao, walong taon na ang nakararaan.





Published
2023-11-23