Kuwentuhan at Kantahan sa Attic ni Pete Lacaba

  • Lacaba Pete

Abstract





Hindi na kailangang ipakilala pa ang pangalang Jose Maria “Pete” Flores Lacaba (Nobyembre 25, 1945) sa mga mahilig sa panitikang Pilipino. May- akda siya ng tatlong importanteng koleksiyon ng mga tula, Mga Kagila- gilalas na Pakikipagsapalaran: Mga Tulang Nahalungkat sa Bukbuking Baul (1979), Sa Daigdig ng Kontradiksiyon: Mga Saling-Wika (1991), at Sa Panahon ng Ligalig: Tula, Awit, Halaw (1991). Siya rin ang may-akda ng isang klasikong akda sa pamahayagang Pilipino hinggil sa Sigwa ng Unang Kuwarto: Days of Disquiet, Nights of Rage: The First Quarter Storm and Related Events (1982). Maliban dito ay marami rin siyang naisulat na screenplay ng mga itinuturing na ngayong kabilang sa pinakamahuhusay na pelikulang Pilipino. Kahanay siya sa mayaman na tradisyon ng makabayan at aktibistang literatura ng Pilipinas. Sinipi ang interbyu mula sa isang mas mahabang kuwentuhan na pinangunahan ni Enrique villasis, isang makata at manunulat para sa telebisyon at pelikula. Kasama niya sa talakayan ang mga kabataang staff ng Likhaan: UP institute of Creative Writing.





Published
2023-11-23