BBBTutor: Tulong-Pangturo sa Statika sa Pamamagitan ng Computer

  • Edgardo S. Pacheco College of Engineering, University of the Philippines Diliman

Abstract

Isang programa sa computer na tulong pangturo sa paggawa ng banghay ng bukod na bagay (BBB) o'free body diagram ang ginawa upang makatulong sa mga esudyante sa Statika na nahihirapang intindihin ang konseptong ito. Ang programa ay pinatatakbo sa pamamagitan ng mga menu at hindi kailangan ng gagamit nito ang kaalaman sa pagprograma ng computer. Gagabayan ng programa ang estudyante sa bawat hakbang ng paggawa ng BBB ng iba't-ibang estruktura at may komentaryo at paliwanag na lilitaw sa screen kapag hindi tama ang binigay na sagot sa alin mang katanungan. Pinapayagan ng may-akda na kopyahin ng sino mang interesado dito ang nag-iisang diskette na naglalaman ng programa.
Published
2021-09-23
Section
Articles