Baryasyon sa Wika at Pagsasalin: Isang Aplikasyon sa <em>The Monkey and the Tortoise</em> ni Jose Rizal
Abstract
ABSTRAK
Sa pagsasalin, ang isang salita ay maaaring isalin sa maraming iba-ibang paraan—mula simpleng pagtutumbas mulang SL tungong TL, pagpaparaprase, o kaya’y reispeling lang at pagkakaiba sa representasyong ortograpiko. Samantala, ang isang orihinal na kuwento ay maaaring magkaroon ng iba-ibang bersiyon din ng pagsasalin—isang pinakamalapit sa orihinal, “malapit” dahil napakahirap ang pagkakaroon ng tapat na tapat na salin lalo kung magkaibang-magkaiba ang estruktura ng wika ng Simulaang Lengguwahe (SL) at ng Tunguhing Lengguwahe (TL), gaya ng Ingles sa Filipino, at isang halaw o ang tinatawag na “malayang salin” na maaaring may hawig sa orihinal ngunit malayo na sa orihinal ang itinakbo ng kuwento at napasukan na ng ibang konteksto sa TL. Ang baryasyong nagaganap sa pagsasalin gayundin sa pagpili ng katumbas mula sa SL at TL ang layuning ipaliwanag sa pag-aaral na ito. At sa pamamagitan ng pagsusuri sa ilang pilìng salin sa Tagalog ng The Monkey and the Tortoise na orihinal ni Jose Rizal, ipakikita ang naganap na baryasyon sa pagsasalin sa wikang Tagalog na ginawa ng iba’t ibang tagasalin.
ABSTRACT
In translation, a word can be translated in different ways—it can be by finding a simple equivalent from SL to TL, paraphrasing, or simply spelling it out based on Filipino orthography. On the other hand, an original story may have different versions of the translations—one closer to the original, “closer” because it is difficult to find a direct translation especially when the structure of the Source Language (SL) and the Target Language (TL) is so varied, as in English to Filipino, and also the adaptation or the so-called “free translation” may have been far from the original and has other context from the TL. The variations that occurs in translation as well as in choosing equivalents from SL and TL is the purpose of this study. And by examining a few selected Tagalog translations of The Monkey and the Tortoise originally by Jose Rizal, the resulting translations of the Tagalog language by different translators has been demonstrated.
KEYWORDS: pagsasalin (translation), kuwentong pambata (story for children), baryasyon ng wika (language variation), Rizal, Hallidayan Model