Pagkahaba-Haba man ng Prusisyon, Ako pa rin ang Maglalakbay
Abstract
The idea of “Pagkahaba-haba man ng Prusisyon, Ako pa rin ang Maglalakbay” (No matter the Length of the Procession, it is Mine to Journey) stemmed from Shakespeare’s “All the World’s a Stage” monologue. In this monologue, man has seven stages in life: the infant, schoolboy, lover, soldier, justice, old age, and second childishness. The two-character play script was created by deriving texts from pre-colonial epics for the infant and schoolboy, Balagtas’ “Orosman at Zafira” for the lover, “May Bagyo Ma’t May Rilim” (Though it is Stormy and Dark) and Rizal’s “Sa Mga Kababaihan ng Malolos” (To the Young Women of Malolos) for soldier, Nick Joaquin’s “Retrato ng Artista bilang Filipino” (Portrait of the Artist as Filipino) as translated by Bienvenido Lumbera and Bienvenido Noriega’s “W.I.S. — Walang Ibig Sabihin” (No Meaning) for justice, Glenn Sevilla Mas’ “Her Father’s House” and Floy Quintos’ “Atang” for old age, and Maningning Miclat’s “Tawag” (The Call) for second childishness.This is an acting piece for a male and a female actor who would transform from parent to lover to wife/husband to friend. Through the chosen texts, one will see the Philippines’ relationship with herself throughout her history. From being a mother to a lover to a warrior, until she journeys back to herself with the acceptance of her identity — acceptance that her identity includes all of her influences. Loose directions in the play script were intended in order to give the director free reign to conceptualize the production, and the actors freedom to explore their interpretations of their characters. This is the life of Man and Woman in the context of Philippine history.
ABSTRAK
Ipinanganak ang ideya ng dulang “Pagkahaba-haba man ng Prusisyon, Ako pa rin ang Maglalakbay” sa monologong “All the world’s a stage” ni William Shakespeare. Sa monologong iyon isinasalaysay na may pitong stages ang buhay ng tao: infant, schoolboy, lover, soldier, justice, old age, at second childishness.Sa pamamagitan ng pagkuha ng mga teksto mula sa prekolonyal na mga epiko para ipakita ang infant at schoolboy, “Orosman at Zafira” ni Balagtas para sa lover, “May Bagyo Ma’t May Rilim” at “Sa Mga Kababaihan ng Malolos” ni Rizal para sa soldier, “Retrato ng Artista bilang Filipino” ni Nick Joaquin ayon sa salin ni Bienvenido Lumbera at “W.I.S. — Walang Ibig Sabihin” ni Bienvenido Noriega para sa justice, “Her Father’s House” ni Glenn Sevilla Mas at “Atang” ni Floy Quintos para sa old age, at “Tawag” ni Maningning Miclat para sa second childishness, nabuo ang dulang may dalawang tauhan. Isa itong acting piece para sa isang lalaki at isang babaeng artista. Magiging magulang, nobyo/nobya, asawa, kaibigan ang parehong tauhan. Makikita rin, sa pamamagitan ng mga piniling teksto ang relasyon ng Pilipinas sa sarili at sa iba sa iba’tibang bahagi ng kasaysayan. Nariyang isang magulang, isang mangingibig, isang manlalaban o palaban, hanggang sa bumalik sa sariling may tanong ng pagtatanggap sa kabuuan — pagtanggap na kasama sa pagkatao ang mga tinanggap na impluwensiya.Sadya ang maluwag na direksyon sa dula, upang magbigay daan sa mas malayang paglalaro ng direktor at mga artista sa kani-kanilang interpretasyon ng karakter.Ito ang daloy ng buhay ni Lalaki at ni Babae sa konteksto ng kasaysayan ng Filipinas.