Economic Well-Being of the Filipino Elderly

  • Grace T. Cruz

Abstract

Sa resulta ng “1996 Philippine Elderly Survey (PES)”,
ang unang pambansang sampol na kumakatawan sa mga
nakakatandang mamayan ng ating bansa ay nagpakita ng
pagkakaroon ng mga nakakatandang Pilipino ng mababang
estadong pang-ekonomiya. Ang karamihan ay nag-aalala sa
kanilang kalagayang pinansiyal. Sa kabila ng pagkakaroon
ng hindi lamang iisang pinagkukunan ng kita, ang kanilang
kita ay mababa lamang at nagkakaroon pa sila ng malaking
gastos at pagkakautang. Sapagkat ang karamihan sa
kanila’y tumatayo pa ring tagapamahala ng kanilang mga
tahanan, patuloy pa rin silang nag-aambag ng makabuluhang
bahagi sa panggastos sa tahanan.
Ang mga tulong mula sa mga anak at mga kamaganak
ang tinatayang pinakaimportanteng pinagkukunan ng
kita ng mga kababaihang nakakatanda samantalang ang
kita sa trabaho at bukid ang pinagkukunang naman ng mga
kalalakihan. Kaunti lamang ang nakakatanda at karamihan
pa ay mga lalaki ang may mga di-nanggagaling sa pamilya
na pinagkukunan ng suporta katulad ng pensyon. Sa kabila
ng pagkakaroon ng mababang kita, ang mga Pilipinong
nakakatanda ay nagreport ng mataas na bahagdan ng pagaari
ng mga lupa’t bahay. Ang pagkakaroon din ng ibang
ari-arian tulad ng alahas at iba pang kasangkapan ay
karaniwan din.
Published
2009-05-06

Most read articles by the same author(s)

Obs.: This plugin requires at least one statistics/report plugin to be enabled. If your statistics plugins provide more than one metric then please also select a main metric on the admin's site settings page and/or on the journal manager's settings pages.