The Impact of the Cordillera Administrative Region IEC Program on the Reproductive Health, Knowledge. Attitudes and Behavior of Single Adolescents
Abstract
Sinasabing ang panahon ng pagbibinata atpagdadalaga ay isang napakahalagang panahon sa buhay
ng isang tao bago niya marating ang antas ng kaganapan
bilang isang indibidwal. Kung gayon, ang kabataan ngayon
ay produkto ng mga kaalaman at karunungang nakuha nila
sa mga unang taon ng kanilang kabataan, gayundin ng
proseso ng sosyalisasyon na kanilang kinaharap. Ang
sosyalisasyon na ito’y nagmula sa mga pangunahing ahente
tulad ng pamilya, paaralan, kaibigan at “mass media.
Sa papel na ito, tinatalakay ang kahalagahan na
mataya ang kaugnayan at bisa ng kasalukuyang programa
ng pamahalaan para sa pag-unlad ng mga kabataan.
Partikular, binigyan ng pokus ang rehiyon ng CAR (Cordillera
Autonomous Region) at ang programang “Reproductive
Health, Information, Education ang Communication” na
nagsimula noong 1997.
Bunsod ito ng pangangailangan ng suporta ng rehiyon
sa kampanya para sa “reproductive health” at “safe
motherhood”.
Published
2009-05-06
Section
Articles