Ang Pag-unlad ng Kilusang Radikalismo sa Pilipinas

  • Rhina Boncocan

Abstract

Pito sa mga sumulpot na kilusang radikal sa Pilipinas ang naging tuon ng pag-aaral. Layunin nito na hanapin ang pangkalahatang katangian ng mga kilusang naghangad at naghahangad ng pundamental na pagbabago sa lipunan. Mula sa Katipunan hanggang sa CPP at RAM ay sinundan ng pag-aaral ang naging daloy ng iba't ibang kilusan na nagkaroon ng malaking epekto sa kabuuang kasaysayan ng Pilipinas. Sinuyod at siniyasat ang mga layunin, programa, saklaw o lawak ng suporta at mga suliraning kinaharap ng mga kilusang ito upang makita ang pagkakapareho o pagkaka-iba sa mga binitbit na prinsipyo ng pakikibaka.

Dalawang mahalagang tema ang dinaanan at dinadaanan ng kasaysayan ng kilusang radikalismo sa Pilipinas, una ang pagkamit ng pundamental na pagbabago sa lipunang ginalawan at ikalawa ang mithiing magkaroon ng isang malaya at makataong lipunan.
Published
2010-04-23

Most read articles by the same author(s)

Obs.: This plugin requires at least one statistics/report plugin to be enabled. If your statistics plugins provide more than one metric then please also select a main metric on the admin's site settings page and/or on the journal manager's settings pages.