Ang Cagayan sa Panahon ng Rebolusyon 1895-1899: Pagtatagumpay ng mga Naghaharing Uri
Abstract
Mahalagang makilala ang ginampanang; papel ng mga lalawigan sa kabuuang proseso ng rebolusyon ng 1896. Layunin ng pag-aaral na ito na buksan ang aklat ng kasaysayan ng Cagayan sa naging bahagi nito sa pakikibaka tungo sa kasarinlan ng Pilipinas.Sa pamamagitan ng mga nakasulat na datos pangkasaysayan ay masusing sinuri ng pag-aaral na ito ang naging kalakaran sa Cagayan noong nagaganap ang rebolusyon. Napag-alaman sa mga ulat na ang pag-aaklas sa Cagayan ay nagkaroon na ng hulma bago, pa man pumutok ang rebolusyon sa Maynila bandang 1896. Taong 1895 ay mayroon ng ulat sa Maynila ng pagsusuplong ng pamahalaang Espanyol sa lalawigan na may mga pilibusterong kumakalaban sa kanila sa lugar. Hindi tahimik ang kalagayan sa Cagayan sapagkat malaki ang ginampanan nito bilang kanlungan ng mga rebolusyunaryong Tagalog na napadpad sa lugar. Gayunpaman ang tagumpay ng rebolusyon ay natali lamang sa mga naghaharing uri batay sa kinalabasan ng mga sumunod na pangyayari kung saan ang pagtatatag ng pamahalaang Pilipino sa bayan ay naging paraan ng pagluklok ng mga kilalang ilustrado sa bayan sa kapangyarihang dati ay hawak ng mga Kastila.
Published
2010-04-23