Ang mga Kilusang radikal 1890-1990: Ilang Mahahalagang Tala
Abstract
Tatalakayin sa pag-aaral na ito ang mga kilusang radikal na nakaabot sa bayan ng Cavinti, Laguna simula sa panahon ng Katipunan noong 1890 hanggang sa kasalukuyang panahon. Bukod sa Katipunan, ang mga radikal na grupo o pangkat ay ang mga sumusunod: ang Kilusang Asedillo noong 1930, ang Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon, ang Hukbong Mapagpalaya ng Bayan at ang Bagong Hukbong Bayan.Sa papel na ito titignan ang lokasyon ng Cavinti at kung bakit magandang pagtaguan ng mga rebelde. lpaliliwanag din ang ekonomiya o sistema ng pamumuhay ng mga magsasaka at mga manggagawang bukid. Bakit sila naakit na sumama sa mga armadong grupo o pangkat? Aalamin din ang idyolohiya o paniniwala at mga prinsipyong ipinaglalaban ng mga radikal na pangkat. Ilalahad na ang ipinaglaban at ipinaglalabang prinsipyo ng katipunan, ang mga ideya nina Rizal at Bonifacio, ay walang iba kundi ang pagkakamit ng tunay na kasarinlan ng bansang Pilipinas na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa natatamo ng mamamayang Pilipino sa kabuuan at ng mga CavinteƱo sa partikular.
Published
2010-04-23