Kabayanihan ng Kababaihan sa Kolorum at Sakdal

  • Arthur M. Navarro

Abstract

Kapwa masalimuot ang kilusang bayan at kilusang kababaihan matapos sumiklab ang Himagsikang Pilipino 1896. Kumuha ang mga ito ng iba’t ibang anyo na pawang nakapaloob sa pagpapatuloy ng diwa ng sama-samang paghihimagsik tungo sa kalayaan at kasarinlan ng Inang Bayan.

Sa sentenaryo ng patuloy na himagsikan, magandang balik-tanawin ang mga paghihimagsik ng mga KOLORUM at SAKDAL at tignan ang malaking ambag bilang mga bayani ng mga natatanging kababaihan sa mga pagkilos na ito. Ang pagbabalik tanaw ay hindi lamang pagtahak sa ilang yugto ng mahabang kasaysayang bayan, kundi pagpapalaot din sa ilang yugto ng mahabang kasaysayan ng kilusang kababaihan.
Published
2010-04-23

Most read articles by the same author(s)

Obs.: This plugin requires at least one statistics/report plugin to be enabled. If your statistics plugins provide more than one metric then please also select a main metric on the admin's site settings page and/or on the journal manager's settings pages.