Filipino ng Kilusang Pambansa-demokratiko (KPD) Pilosopiya at Pulitika Sa Pambansang Wika

  • Monico M. Atienza

Abstract

Tinatalakay sa artikulo ang mga sumusunod: 1) ang kilusang pambansa-demokratiko sa Pilipinas bilang matagal nang pagkilos sa ideolohiya, pulitika at organisasyon sa lipunang Pilipino; 2) ang pulitika at pilosopiya ng kilusan kaugnay ng wika at pambansang wikang itinataguyod at ipinakikipaglaban nito, sa nakalipas na halos tationg dekada; 3) ang mga katangian ng Pilipino/Filipino ng nasabing kilusan, laluna sa usapin ng pilosopiya at pulitika nito kaugnay ng pagsasalin, ispeling, bokabularyo at ilang puntong gramatika; at 4) ang pangkalahatang praktika nito sa wikang pambansa bilang diskurso at praktika ng rebolusyunaryong pakikibaka nito sa malapyudal at malakolonyal na kaayusan ng lipunang Pilipino.

Bukod sa mga paglilinaw sa mga terminong ideolohiya, pulitika at prinsipyong pang-organisasyon na mga taal na kakawing ng kilusan (KPD), binigyan ng detalyadong pansin ang dalawang batayang babasahin tungkol sa wika na ginagamit ng kilusan sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng wikang pambansang Pilipino/Filipino. Ang mga ito'y ang "Gabay sa Pagsasalin" at "Gabay Tungkol sa Ispeling, Bokabularyo at Balarilang Pilipino." Dito nga sa mga ito makikita ang mga panuntunan sa pangkalahatang pagpapalaganap at pagpapa-unlad ng wikang pambansa na mahigpit na kakawing ng demokratikong rebolusyong bayang isinapraktika ng KPD.

Pambansa, pangmasa at siyentipiko ang Pilipinong itinataguyod at ipinakikipaglaban ng KPD. Ayon na rin sa mga batayang dokumento nito sa wika at pambansang wika, kung wala ng ganitong mga katangian ang wika ng rebolusyon, mananatiling kapos at bansot ang pagkaunawa, kung gayon ang pagbabago, sa mga kondisyon ng pagsasamantala at pang-aapi sa mamamayang Pilipino.
Published
2010-04-23

Most read articles by the same author(s)

Obs.: This plugin requires at least one statistics/report plugin to be enabled. If your statistics plugins provide more than one metric then please also select a main metric on the admin's site settings page and/or on the journal manager's settings pages.