The Bourbon Background of Bustamante’s Embassy to Siam
Abstract
Inilalatag sa artikulong ito ang dalawang pangunahing dahilan sa pagtungo at pananatili ni Bustamante sa Siam: una, ay ang pag-angkat ng bigas sa naturang lugar dahil sa patuloy na paghina ng produksyon ng likas na yaman sa Pilipinas, at pangalawa, ay upang muling patibayin at pagyamanin ang pakikipagrelasyon sa Siam. Matatanghal na ang pamaraang ginamit ni Bustamante ay tulad ng sa Bourbon kung saan ang sentro ng pagbabago ay nasa iisang lugar at iyon ay kung saan nakatalaga ang representatibo ng pamahalaan, sa ganang ito ay pamahalaan ng Espanya. Makikita na muling nanumbalik ang lakas ng Espanya sa Siam, at syempre ay sa Pilipinas. Pinatunayan ni Bustamante na ang kanyang pamaraang Bourbon ay tunay na krusyal sa pagpapanatili ng kapangyarihan ng Espanya sa kanyang nasasakupan at maging sa mga rehiyong nais niyang bumuo ng matibay na pakikipagrelasyon.
Published
2010-09-21
Section
Articles