A Preliminary Profile of Women “Collaborators” in the People’s Court Records
Abstract
Sa gitna ng pagbangon ng bansang Pilipinas mula sa mga hamon at suliraning bunsod ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, isang importanteng usapin ang pumalaot—ang isyu ng kolaborasyon. Marami sa mga opisyales na naglingkod sa gobyernong Laurel na pinalakad ng mga Hapones ang inakusahan ng kolaborasyong pulitikal. Gayundin, may mga elite at sibilyan na pinaratangan ng kolaborasyong ekonomiko at kultural. Binuo ang People’s Court noong 1945 upang maglitis ng mga kaso ng treason laban sa pamahalaang Pilipinas at Estados Unidos habang ang bansa ay napasailalim sa mga Hapones. Kabilang sa mga isinakdal sa naturang hukuman ay mga popular na personalidad bago at pagkatapos ng digmaan. Sa katunayan, naging paksa na ng mga naunang pag-aaral ang proseso ng paglilitis sa mga naturang personalidad. Gayunpaman, kapansin-pansin mula sa mga naiwang tala ng People’s Court na may 130 pangalan ng kababaihan. Pinapaksa ng pag-aaral na ito ang kaso ng animnapu’t limang kababaihan na naisampa sa People’s Court. Nilalayon ng pananaliksik na mabatid kung anu-ano ang mga partikularidad ng mga kasong isinampa.
Published
2010-09-21
Section
Articles