Ang Metapora sa Wikang Filipino: Isang Descriptive na Pag-aaral sa Metaporang Ginagamit sa Pang-araw-araw na Diskurso
Abstract
Ang papel na ito ay isang preliminaryong pag-aaral hinggil sa paggamit ng metapora sa wikang Filipino. Layunin nito na makapaglahad ng isang descriptive na analisis tungkol sa mga metaporikal na ekspresyong common na naririnig at ginagamit sa pang-araw-araw na diskurso sa pamamagitan ng pagsuri sa kahulugan, dahilan, implikasyon at paraan ng paggamit nito sa wikang Filipino. Layunin ng papel na ito na makapaglahad ng isang linguistic analisis hinggil sa mga metapora sa wikang Filipino sa pamamagitan ng pagsuri sa semantic na aspeto, paraan ng pagbibigay kahulugan at paglarawan sa mga forms at istruktura ng paggamit ng mga naturang metapora. Ang lahat ng analisis na inilahad sa papel na ito ay ibinatay lamang sa mga data na nakalap sa pamamagitan ng informant work sa mga well-informed informants na taal na mananalita ng wikang Filipino.Ang mga data na ito ay kinategorya ayon sa (1) paraan ng pagpapahayag ng metaporikal na kahulugan, at (2) form at istruktura ng mga metapora. Sa pagkategorya sa mga metapora ayon sa paraan ng pagpapahayag ng kahulugan tumutok ang papel na ito sa pagclassify ng mga metapora ayon sa mga metaporang gumagamit ng hayop, at mga metaporang gumagamit ng body parts o body metaphor sa pagpapahayag ng metaporikal na kahulugan. Samantala, sa pagclassify naman ng mga metapora ayon sa forms at istruktura nito, inilahad ang mga uri ng metaporang maaring mabilang sa one-word metaphor, compound metaphor, at phrasal metaphors. Sa paglalahad ng mga ito ay makikita ang mga uri ng lexical category ng mga salitang bumubuo sa mga metaporang inilahad, affixation, porma at paggamit ng mga ito. Sinubukan ring maglahad ng mga metaporang ginagamit ng mga informant galing sa mga hiram na salita (borrowed metaphors) ngunit nabibigyang panibagong kahulugan ayon sa konteksto ng paggamit nila ng mga ito.
Published
2011-02-16
Section
Articles
Keywords
Metapora, Filipino