Ang Pamahalaang Militar ng mga Amerikano sa Pilipinas bago ang Digmaang Pilipino-Amerikano
Abstract
This paper aims to present the conduct of the Military Government established by the Americans in the Philippines from the time after the mock battle of Manila between the United States and Spain was staged on August 13, 1898, until before the Filipino-American War on February 4, 1899. Although it was replaced by a civil one only in 1901, the administrative and diplomatic programs and activities it initiated during the first six months of its existence had significant effects in the succeeding events that would happen in the country. This paper argues that this government succeeded in creating the foundation of the different fields in the government like public education, health, peace and order, but failed in preventing the rising tension between its armed forces and Aguinaldo’s troops, which later on led to a war that claimed thousands of lives and destroyed a great number of property and infrastructures.Naglalayon ang papel na itong ilahad ang naging pamamalakad ng Pamahalaang Militar na itinayo ng mga Amerikano sa Pilipinas mula nang matapos ang kunwa-kunwariang labanan sa Maynila sa pagitan ng Estados Unidos at Espanya noong Agosto 13, 1898 hanggang bago ang pagsiklab ng Digmaang Pilipino-Amerikano noong Pebrero 4, 1899. Bagama’t pinalitan lamang ito ng isang pamahalaang sibil pagdating ng 1901, ang mga programa at gawaing pang-administratibo at pandiplomatikong isinulong nito sa unang anim na buwan ng kanyang pamamalakad ay mayroong mahalagang epekto sa mga susunod na mga pangyayaring magaganap sa bansa. Nais palitawin ng papel na ito na nagtagumpay ang pamahalaang militar sa pagtatayo ng pundasyon ng iba’t ibang sangay ng pamamahala tulad sa sistema ng edukasyon, kalusugan, at kapayapaan, subalit nabigo naman sa pagpigil sa tumataas na tensyon sa pagitan ng kanyang pwersa at mga tropa ni Aguinaldo na nagdulot naman ng angkop na kondisyon para sa digmaang kumitil ng libo-libong buhay at sumira ng maraming ari-arian at imprastraktura.
Published
2011-02-16
Section
Articles
Keywords
Philippine-American, war, american military