NGO and Community Participation in Environmental Programs: A Case Study of the Community Forestry Program
Abstract
Ang pag-aaral sa kaso ng limang NGO at lokal na komunidad ay isinagawa upang tingnan ang mga katangian ng partisipasyon ng mga ito sa Community Forestry Program. Lumitaw sa pagsusuri na bagamat mayroon pa ring suliranin ang mga NGO ay kakikitaan sila ng sariling kusa sa paglutas ng mga suliraning ito at hindi umaasa nang lubusan sa gobyerno. Nakita rin na ang mga komunidad ay aktibo sa pagpaplano at implementasyon ng mga proyekto. Inirekumenda ang mga sumusunod: paggamit ng katutubong kaalaman at kakayahan; pagbuo ng tiwala sa pagitan ng gobyerno, NGO at komunidad; pagpapalakas ng relasyon ng NGO at komunidad; pagtiyak ng mga papel ng gobyerno, NGO at komunidad sa CFP; pagsasanay sa NGO at komunidad bago simulan ang proyekto; at, gawing mas mabilis ang proseso ng akreditasyon ng NGO.
Published
2011-06-14
Section
Articles
Keywords
NGO, forestry