Anyo ng Mapanuring Pag-Iisip at Moral Kompas sa Pilosopiya 1
Abstract
Ang papel ay isang paglalahad ng kung paano ang Pilosopiya 1 ay nakapag-aambag sa paglinang ng mapanuring pag-iisip o critical thinking, at pagbuo ng isang moral kompas. Naglalayon itong makapagbigay linaw tungkol sa anyo ng mapanuring pag-iisip at moral kompas na nais hubugin sa kurso. Sa ganitong punto, inaasahan ng mga may-akda na mabigyang diin ang halaga at ambag ng Pilosopiya 1 sa pagtugon sa kasalukuyang pangangailangan ng Unibersidad para sa isang kursong GE na makatutulong sa paghubog ng mapanuring pag-iisip na may kahandaan sa pagbuo ng isang moral na desisyon. Ang unang bahagi ay tumatalakay sa halaga ng ilang piling larang ng pilosopiya na nakapaloob sa Pilosopiya 1, habang ang ikalawang bahagi ay eksposisyon sa kahulugan ng moral kompas. Ang dalawang bahagi ay pinagbubuklod ng konsepto ng kritikal na pangangatwiran.Ipinapalagay din itong isang kontribusyon sa pagkilala sa natatanging papel ng Pilosopiya sa edukasyon.
English Abstract
This paper is an exposition on how Philosophy 1 contributes to the cultivation of critical thinking and development of a moral compass. It aims to explain the kind of critical thinking the course would like students to possess in order for them to make informed moral decisions. The authors expect to give emphasis on the value and contribution of Philosophy 1 in response to the University’s need for a General Education (GE) course that could help in shaping critical thinking necessary for making moral decisions. The first part discusses the importance of some areas of philosophy included in Philosophy 1; while the second part is an exposition on the meaning of moral compass. Critical thinking and reasoning bind these two parts together.
This paper is a contribution to acknowledging the role of Philosophy in education.