Mga Samahang Estudyante, 1946-1958: Pakikipagtulungan sa Pamahalaan at Pagpahayag ng Sariling Tinig

  • Ruben Jeffrey A Asuncion

Abstract

Papalawigin ng pag-aaral na ito ang isang bahagi ng kasaysayan ng mga samahang kabataan. Sisiyasatin ng pag-aaral ang malapit na ugnayan ng ilang estudyante sa mga pulitiko at sa gobyerno lalo na sa unang dekada ng panahong postwar. Sa artikulong ito, partikular na saklaw ang mga taong 1946-1958, na nasa unang yugto ng kontemporanyong kasaysayan. Pinakamalinaw na halimbawa ng aktibidades ng ilang organisasyon ng mga estudyante na iyon ay ang pakikisanib ng ilang samahang estudyante sa kandidatura ng nagbitiw na Defense Secretary na si Ramon Magsaysay simula Nobyembre 30, 1952 at paglaon, sa kanyang administrasyon bilang presidente. Tandaang panahon iyon ng pagbangon mula sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang pagpapatindi pa ng gahum at makinasyon ng mga Amerikano sa pambansang pulitika sa Pilipinas. Gamit ang ilang nakalap nang primaryang batis at sanggunian, at sa kabila ng mga limitasyon sa mobilidad, sisikaping sagutin: ano ba ang naging papel ng mga samahang estudyante sa pambansang pulitika sa loob ng panahong nabanggit? Sa pamamagitan ng lenteng dinamikong Estado (gobyerno)-pulitiko-mga samahang estudyante, napansin ang positibong papel ang mga samahang iyon sa kandidatura at administrasyon ni Magsaysay. Subalit, sandali ang kolaborasyong ito, lalo na matapos ang biglaang kamatayan ni Magsaysay.
Published
2024-08-22

Most read articles by the same author(s)

Obs.: This plugin requires at least one statistics/report plugin to be enabled. If your statistics plugins provide more than one metric then please also select a main metric on the admin's site settings page and/or on the journal manager's settings pages.