Ramon Guillermo. Pook at Paninindigan: Kritika ng Pantayong Pananaw

  • Scheherazade d.C. Vargas

Abstract

Ang Pantayong Pananaw (PT) ay isang ideyolohiyang ipinakilala at nagsimulang umiral noong dekada 1980 sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman. Ito ay ipinanganak mula sa isipan ni Dr. Zeus A. Salazar, isang kilalang mananalaysay at noon ay propesor sa kasaysayan. Sentro ng pananaw ng PT ang pagtataguyod at paggamit ng wikang Filipino sa mga talastasan, higit sa lahat sa talastasang-bayan. Nagkaroon din ang PT ng sariling katawagan sa mga gumagamit ng Ingles sa talastasan at sa pagsusulat ng kasaysayan at ito aybinansagan ng mga tagapagtaguyod ng PT bilang “Pangkaming Pananaw” (PK). Makikita sa PT ang pakikipagtalastasan sa ‘loob’ samantalang ang PK angpakikipagtalastasan sa ‘labas’. Ang mga katergoryang ito ng ‘loob’ at ‘labas’ ang isa sa mga tunay na naging kontrobersyal na usapin ng PT. Sa pag-usbong at pag-unlad ng PT, nagkaroon ito ng mga kritiko. Isa sa mga kritiko ng PT ay si Ramon Guillermo, isang guro sa Departamento ng Filipino sa UP Diliman at naging mag-aaral ni Dr. Salazar. Ang kabuuan ng kanyang kritisismo hinggil sa PT ay nasa kanyang salaysay na may pamagat na “Pook at Paninindigan” at bahagi ng kanyang tesis sa Masterado. Kalaunan ito ay inilimbag bilang isang aklat ng UP Press na may pamagat na Pook at Paninindigan: Kritika ng PantayongPananaw. Nilalaman ng aklat na ito ang mga saloobin ni Guillermo patungkol sa PT.
Published
2011-02-23
Section
Book Reviews