Hagkis ng Halakhak: Ang Nagpapatuloy na Kabuluhan ng Kritika ni Hernandez sa Pulitika sa Magkabilang Mukha ng Isang Bagol
Abstract
Itinanong ng kritikong si Epifanio San Juan, Jr., sa okasyon ng paggunita sa sentenaryo ng pagsilang ni Amado V. Hernandez, kung bakit wala pang panunuring historikal, liban sa isinulat ni Agoncillo at Lumbera, sa mga kuwento, dula, at sanaysay ng Pambansang Alagad sa Panitikan. Isang tugon ang panunuring ito sa isang dula ni Hernandez. Susuriin ang kahalagahang panlipunan at pangkasaysayan ng dula niya:1) sa lente mismo ng dalumat ni Hernandez sa relasyon ng panitikan at ng lipunan, 2) sa konteksto ng tagisang ideolohikal ng dula niya at ng panahong nasulat ang dula, at3) sa pangkasalukuyang sipat sa mga ito bilang diskurso na may diin sa usapin ng kapangyarihan at “katotohanan.” Malapitang susuriin, lalo na ang may kaugnayan sapangatlong pagbasa, ang dulang Magkabilang Mukha ng Isang Bagol (1961), dahil sa palagay ng nagsusuri na sa dulang ito higit na makikita na nagpapatuloy angkabuluhan ni Hernandez sa kasalukuyan, at dito lumulutang ang lakas at kapangyarihan ng kanyang kritika sa sistemang pampulitika.Writer and critic Epifanio San Juan Jr. observed, on the occasion of the centenary of the birth of Amado V. Hernandez, that except for the works of Agoncillo and Lumbera, no other historical analysis, particularly of the essays and plays, of the National Artist Hernandez has been written. This paper is an attempt to fill the gap. It evaluates the social and historical significance of one of his plays, Magkabilang Mukha ng Isang Bagol (1961), through the lens of Hernandez’s view of the relations of literature and society and in the context of the ideological position of his play and the ideological struggle atthe time the play was written. The play is treated, too, as discourse and centers on the discussion of power and “truth.” It is this writer’s position that it is in this play that Hernandez’s continuing relevance to the present ideological debaterests. It is also in this play that the strength of his critique is clearly demonstrated.
Issue
Section
Articles
Keywords
Amado V. Hernandez, ideology, Filipino play, literature, society