“Siempre he encontrado en dicho camarada un verdadero espiritu revolucionario”: Tala hinggil sa ilang bagong tuklas na dokumento sa Arkibo ng COMINTERN hinggil sa mga mandirigmang Pilipino sa Espanya na kaanib sa Brigada Internacional (1936–1939)
Abstract
ABSTRAK
Maaari na ngayong masangguni ang dating mga klasipikadong dokumento sa arkibo ng Communist International (Comintern) na nakabase sa dating Unyong Sobyet (mula 1919 hanggang 1943). Malaki ang maiaambag ng mga dokumentong ito sa pagpapalitaw ng bagong mga impormasyon hinggil sa kasaysayan ng komunismo sa Pilipinas. Nakatuon ang Makasaysayang Tala na ito sa mga bagong tuklas na dokumento hinggil sa mga mandirigmang Pilipino sa panig ng Republikanong pamahalaan noong Giyera Sibil ng Espanya (Mga Personal na File Hinggil sa mga Pilipinong Boluntaryo sa Brigada Internacional (Archive code: RGASPI. F.545. Op.6. D.1024)).
Mga Susing-Salita: Comintern; Brigada Internacional; komunismo sa Pilipinas, Giyera Sibil ng Espanya; kasaysayang panlipunan at pampolitika
ABSTRACT
The availability of previously classified documents in the archives of the Communist International (Comintern) in the former Soviet Union (1919–1943) yields new information on the history of communism in the Philippines. This Historical Notes will focus on some newly found documents which shed light on Filipino combatants on the side of the Republican government during the Spanish Civil War (Personal Files on Filipino Volunteers in the International Brigades (Archive code: RGASPI. F.545. Op.6. D.1024)).
Keywords: Comintern, Brigada Internacional, communism in the Philippines, Spanish Civil War, social and political history