Pagtanggap, pagharap, pagpapatuloy: Prosesong pinagdaanan ng mga dalaga at binata na nawalan ng magulang<br> [Pagtanggap, pagharap, pagpapatuloy: Experiences of emerging adults who lost their parents]
Abstract
ABSTRAK
Ang pag-aaral na ito ay bunga ng isang kalitatibong pananaliksik sa karanasan ng mga dalaga at binatang nawalan ng isang magulang may dalawang taon hanggang pitong taon na ang nakalipas. Layunin ng pananaliksik na siyasatin ang mga paksa at proseso sa mga kuwento ng pagkawala ng magulang ng mga dalaga at binata bunsod ng pagpanaw o paglisan ng magulang sa pamilya. Labing-anim ang mga kalahok na pawang mga anak na nasa gulang 18 hanggang 28 sa panahon ng panayam. Walo sa mga ito ang namatayan ng magulang habang ang natitirang walo ay iniwan ng magulang. Nagsagawa ng malaya at malalimang pakikipagkuwentuhan ukol sa karanasan ng mga kalahok upang hikayatin silang maging mas bukas sa pagbabahagi ng kanilang karanasan. Tatlong pangunahing paksa at proseso sa karanasan ng mga nawalan ang mahihinuha sa pagsusuring isinagawa: pagtanggap sa pagkawala, pagharap sa kawalang ito, at pagpapatuloy sa buhay. Ang pagtanggap sa pagkawala ay pagkilala ng nawalan sa pangyayari. May kaibahan ito sa pagharap sa kawalan, na tumutukoy sa aktibo o di-aktibong pagharap ng isang nawalan sa mga emosyong kaugnay ng pangyayari. Samantala, ang pagpapatuloy sa buhay ay ang pagpupunyagi sa buhay ng isang nawalan bagama’t hindi pa niya lubos na natanggap ang nangyari o emosyonal na naharap ang dinanas na kawalan. Ang panayam na nilahukan ng mga kalahok na may magkakaibang gulang at iba-ibang uri ng kawalan ay maaaring makabuo ng alternatibo at lokal na perspektiba sa pag-unawa sa karanasan ng mga nawalan. Nais ng pag-aaral na imungkahi ang isang mas nanarinaring pagtulong sa mga anak na nawalan ng magulang.
SUSING SALITA: kawalan, magulang-anak, pagpanaw, pag-abandona, dalaga at binata
ABSTRACT
This paper is a result of a qualitative study on the experiences of emerging adults who lost their parents during their teens. The study aims to explore the processes and themes in the experiences of these respondents who lost a parent through death or abandonment of their family. Sixteen participants aged 18 to 28 years were the respondents of the study. Eight of the respondents lost one parent through death while eight had parents who abandoned their family. Free and open-ended storytelling was conducted to elicit a natural and uninhibited sharing of experiences of loss of the respective participants. Results reveal three themes and processes in these stories of loss: acceptance of loss, confronting loss, and moving forward. Acceptance of loss is the acknowledgment of losing a parent. This is differentiated from confronting loss. Moving on is the decision to live without the parent, regardless of acceptance of loss. Research among individuals with different kinds of losses was undertaken to elucidate the themes surrounding loss. This strategy was also undertaken to develop new and alternative perspectives in understanding the experience of loss in the local context. The study advocates for a more nuanced approach in helping children with this experience.
KEYWORDS: loss, parent-child, parental death, abandonment, emerging adults